in , ,

Bulalong Batangas

Bulalong Batangas, simple lamang lutuin pero ang sarap. Tara at magluto ng bulalo ng mga taga Batangas. Ala e!

Ingredients

  • 1.5 kilo beef bulalo, cut into segments with the marrow secured with butcher’s twine
  • 2 pcs red onion
  • ½ cup onion leeks, chopped
  • salt and pepper corns
  • 1.5 liters water
  • ½ pechay Baguio
  • 3 fresh young corn, chopped
  • 3 pcs potatoes, peeled & quartered
  • 2 tbsp spring onions, chopped
  • 1 beef broth cubes (optional)

Directions

Preparing the spices

1

Sa isang malalim na kaldero, ilagay ang beef bulalo, mais, sibuyas, leeks, asin, pamintang buo at takpan/buhusan ng tubig. Maari din lagyan ito ng beef broth cubes pandagdag lasa.

2

Pakuluin ito sa mataas na apoy at hinaan kapag kumulo na. Tanggalin ang namumuong scum o halagap sa ibabaw ng tubig.

3

Takpan at simmer sa pinaka-mababang heat hanggang lumambot ang karne ng baka ngunit hindi naman natatanggal sa buto nito. Maari din naman 3 or more hours para malasang malasa ito.

4

Idagdag naman ang petchay, patatas at spring onions sa huling part ng pagluluto. Basta unahin lamang ang patatas.

5

Timplahan ng naaayon sa inyong panlasa. Katulad ng patis, asin at paminta.

Serve hot with rice. Enjoy!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bulalo Soup Recipe

Burger Steak